Saturday, January 24, 2004

FAST FACT
Mariah's vocal chords are so unique that her doctor uses pictures of them in classes at which he teaches. It has been claimed that Mariah has anywhere between 6 and 7 octaves. Her voice is so fragile that she constantly has to be aware of any dangers that may cause damage to her vocal chords such as cigarette smoke. During her 1996 Daydream World Tour, Mariah could only perform one concert each week in order to keep her voice well rested and in top form for each show.
Hi every one. Please visit and register my newly created website. Thanks!

Tuesday, January 20, 2004

Merong Taguigan ngayon sabi Ms. Sevilla.

Tuesday, January 06, 2004

Sa Alaala ni Shaider
by Ederic Eder


Noong maliit pa ako, dahil wala kaming sariling TV ay nakikipangapit-bahay ako para lamang mapanood ang pakikipaglaban ni Shaider sa mga tauhan ni Phuma Lear, at para na rin masilip ang panty ni Annie. Para sa akin, ang galing-galing ni Shaider (o Alexis kapag hindi pa nagta-transform) at ang ganda-ganda ni Annie.


Tinuruan din ako ng ilang mahahalagang bagay nina Shaider at Annie, gaya ng mahigpit na pagkapit sa katuwiran at ang pagtataguyod ng kalayaan. Buong giting nilang ipinagtanggol ang daigdig mula sa mga dayuhang (as in aliens from outer space) mananakop. (Siguro partly responsible sina Shaider at Annie kung bakit naging anti-imperialist ako at tuwang tuwa sa nakikita ko ngayong pagtayo ng milyun-milyong taga-daigdig laban sa di-makatarungang plano ni Lear, este, ni G.W. Bush pala!)


Kamakaila'y nalungkot ako sa natanggap kong e-mail na nagbabalitang patay na raw si Shaider. Nang binasa ko ang Google-translated site na binabanggit sa e-mail, nalaman kong noong Hulyo 24, 2001 pa pala pumanaw sa edad na 37 dahil sa kanser sa atay si Hiroshi Tsuburaya, ang artistang Hapon na gumanap na Shaider.


Sabagay, hindi mismong si Shaider o Alexis ang namatay--pagkat ang karakter ay maaaring gampanan ng iba--pero nakalulungkot pa ring isipin na yung "idol" mo dati ay tepok na pala.

Gayunpaman, ang magiting na si Alexis/Shaider ay mananatiling buhay sa alaala ng mga tagahangang kagaya ko.

(Ang mga larawan ay mula sa http://membres.lycos.fr/gyaban/hommage.htm)